20
Nov
08

Jealousy

Bakit hindi na
Iba na ba
ang lugar ko…

Pinilit, inaalam
ko ang mga dahilan mo..
Kahit na madalas
at hindi mapigilang
mapag-isa

Hindi na malaman
ang pagtakbo ng isip mo..
Hindi na makuha
kung paano tumitubok ang puso mo

Malamang ay nakalimutan mo na
o siguro’y kinalumutan na
Di ko nasabing
Mahal kita
Kaya nagsisisi
dahil huli na…

Pero kahit ganun na
Ako’y patuloy na umaasa
Dahil minsa’y inibig kita
Kaya para sa’yo
Ang sarili ko’y aking itataya




0 Responses to “Jealousy”


  1. No Comments

Leave a Reply